Ano Ang Pokus?, Sana Matulungan Nyoko.
Ano Ang Pokus?
Sana Matulungan nyoko.
Answer:
Sa Filipino, ang pokus ay tumutukoy sa ugnayang pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang pamahalaan para sa mga balo at solong magulang.
Paliwanag:
Sa pangungusap, ang pandiwa ay naglunsad at ang simuno o paksa ng pangungusap ay ang proyekto.
Ibat - Ibang Uri ng Pokus ng Pandiwa:
direksyon
gamit
ganapan
layon
sanhi
tagaganap
Ang pandiwa ay nasa pokus sa direksyon kung ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Tinungo ni Alan ang palengke para mamili ng mga lulutuin.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa gamit kung ang ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang palayok ang pinaglutuan ni nanay ng masarap na sinigang niyang tulingan.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Pinagdausan ng paligsahan ang bagong gawang entablado.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Binili ni Amie ang pinakamasarap na cake para sa kaarawan ng ina.
Ang pandiwa ay nasa pokus na sanhi kung ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ikinalungkot ng bata ang hindi niya pagkapanalo sa paligsahan.
Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kung ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
Pokus ng Pandiwa: brainly.ph/question/1020963
Explanation:
paki brainliest
Comments
Post a Comment