Sana Po May Makasagot Tenkyuuu

Sana po may makasagot tenkyuuu

Answer:

1/4 kilo tuwalya ng baka, hiniwa pakuwadrado, hinugasan mabuti at kinuskos ng asin

1 tablespoon vinegar (suka)

1/4 cup cooking oil

1 teaspoon atsuete (annatto powder),

1 medium-sized red onion, binalatan at hiniwa

3 cloves garlic, tinadtad

1/2 kilo beef or pork, hiniwa sa 1 pulgada ang kapal

1 bundle string beans (sitaw), pinutol sa 3 pulgada ang haba

2 pieces talong (eggplant), hiniwa

2 bundles pechay tagalog, hiniwa-hiwalay ang dahon

1/2 cup peanuts, dinurog para maging peanut paste

1/4 cup white rice, dinurog at binusa

bagoong alamang, pangsawsawan

How to cook Kare-Kare - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Sa isang pressure cooker, ilagay ang suka sa tuwalya at pakuluan sa katamtamang apoy. Pakuluan sa loob ng sampung minuto. Itapon ang pinagpakuluan na tubig at palitan ng bagong tubig. Pakuluan ulit at i-lock ang takip ng pressure cooker. Pakuluan hanggang sa lumambot ang tuwalya sa loob ng 40 minuto. Itapon ang tubig na pinagkuluan at itabi ang tuwalya.

Samantala, sa isang kaldero gamit ang katamtamang apoy, ilagay ang mantika. Idagdag ang atsuwete at lutuin, haluin paminsan-minsan upang kumatas ang kulay. Gumamit ng sandok na may butas para tanggalin ang atsuwete. Ilagay ang sibuyas, lutuin hanggang sa lumambot. Ilagay ang bawang at igisa hanggang sa lumabas ang amoy.

Ilipat ang ginisang bawang at sibuyas sa pressure cooker. Idagdag ang karne ng baboy at ang tuwalya. Buhusan ng sapat na tubig upang lumubog ang karne. Pakuluan at tanggalin ang anumang dumi na lulutang sa ibabaw. Takpan at i-lock ang takip ng pressure cooker. Pakuluan hanggang sa lumambot sa loob ng 30 minuto.

Palabasin ang pressure at buksan ang takip ng pressure cooker. Ilagay ang sitaw, talong at pechay. Paghaluin ang paste ng mani at binusang durog na bigas. Ilagay sa kaldero at ihalo sa niluluto. Pakuluan hanggang sa lumapot ang sarsa. Ihain na may kasamang sawsawang bagoong.

arrenhasyd and 177 more users found this answer helpful

THANKS

107

4.0

(70 votes)

33

zhopia avatar

thank you so much girl

shanicaandal avatar

piliin daw po ang titik ng tamang sagot

ashXanne avatar

wow dami

ashXanne avatar

wow dami naman

ashXanne avatar

wow dami

Advertisement


Comments